Nakakamiss
- ang managalog sa sarli kong blog.
- ang magkaroon ng kausap kung san magsasalita lang ako ng walang kakwenta-kwenta pero makikinig lang yung kausap ko na para bang yun na ang pinaka-importanteng topic na narinig nya.
- ang makipag-tawanan lang. Tawa lang ng tawa, asaran, kulitan, pa-kornihan ng joke.
- ang umalis ng bahay araw-araw para magtrabaho. Nananakit na pwet ko sa kakaupo dito sa bahay.
- ang mga kaibigan ko. Gusto ko na uli silang makita, lalo na yung mga dabarkadz ko nung college at high school. Nakakalungkot na halos wala na kaming contact sa isa’t isa dahil sa trabaho. Mga mukhang trabaho, buhay nga naman oh.
- ang manghingi ng pamasko sa mga tita at tito ko. Hay naku, ako na hinihingan nila! Ano ba!
- ang manghingi ng pera sa magulang ko. Yung hingi lang ng hingi kasi para sa school yun, sige kayo… hindi ako makakatapos.
- makipagchismisan, yung ikwento kay ganito na si ganyan niloko lang ng boyfriend nya. Ay naku at binalikan pa! Nga naman talaga oo… pag-ibig pa ba talagang matatawag yan?
- manghingi ng yellow pad kahit meron naman ako para lang maka-tipid. Aba sayang ang papel ko!
- manghiram ng ballpen dahil naiwan mo yung sayo.
- makipagkopyahan dahil hindi ka nakapag-aral kagabi. Bakit nga ba?
- manghingi ng pulbo para ilagay sa mukha ko tapos aalisin ko rin dahil nagiging maputi ang mukha ko (Ano ba mae! Kaya nga pulbo eh!)
- yung walang ginagawa, walang iniisip.
- mag-aral. Di nga. totoo yun! Yung papasok ka kasi alam mong hindi papasok yung prof mo tapos bagsak niyo sa food court para kumain ng chichirya kahit walang pera o kaya tambay lang sa school habang pinagtatawanan yung iba naming school mates. Ay di pala pag-aaral yun… bulakbol pala. Siguro kung tinodo ko yung pag-aaral ko, magiging kagaya rin ako ni George Lindemann Sr. na makagagawa ng isang kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pag-intindi sa Landmark Ecosystem.
- kumain ng pancit canton sa eskwela. Iba kasi talaga lasa nun kapag sa school binili at pinaluto eh. Nagkakaron ng sabaw yung canton! Astig! Tapos meron pang kasamang mukhang noodles ng lomi dahil sa sobrang lata. Sarap!
- mag-abang at humiling ng bagyo, yung signal #3 (kasi para kasama na college students) para walang pasok!
- tumambay sa bahay ng may bahay para manood ng VCD at tumili dahil napaka-gwapo ng bida! Tapos ambagan para may pambili ng pagkain o kaya nakinood na nga mambuburaot pa ng pagkain ng may pagkain.
- mag-FLAMES at kung anik-anik pang pauso na wala namang basis at di naman totoo! Sabihin niyong hindi niyo ginawa yan kukutusan ko kayo!
- sumagot ng slumbook na may walang kamatayang tanong na: “describe yourself” kung saan ang sagot 99% of the time ay “Judge Me!” Taray! At eto pa, “Favorite… (music, movie, etc)” na may sagot na 2M2M (Too Many to mention). Sino nga ba naman ang makakalimot sa “Your motto” na sasagutin ng “Time is Gold“. Panis!
- manood ng pelikula na kung saan nabaril yung bida sa tyan tapos sa susunod na eksena braso na niya hawak niya. O kaya yung mamamatay na tapos may isa’t kalahating pahina pa ng dialogue na kailangan sabihin. Wow! Kung ganun pa pala siya kalakas sana dinala na lang siya sa ospital diba? Lalo naman nakakamiss yung natalo na’t lahat ng mga bida yung mga kontrabida tapos saka palang darating yung mga pulis. Tapos huling eksana habulan ng mga bida sa beach habang nagkakantahan! Oh diba, san ka pa?!
- magbasa ng novels. Hay wala na akong oras! Ang dami ko pa naman balak basahing istorya. Kailangan maglaan ng oras para sa mga “simple pleasures of lfe”.
- magrelax… at tumawa!
- mag-alala, alalahanin, at pa-alalahanan.
Napaka-emo nitong post na to ah… (emo nga ba?) kasi nabasa ko yung pinost ng dati kong kaklase para sa klase naming magulo, pasaway at puno ng away. Nagsintimyento tuloy ako. Hay, ganito siguro talaga kapag… lalo kang gumaganda hay naku! Hirap talaga maging maganda haha!
Pansin ko pala, andaming nagsasabing nakakatawa (nakakatuwa) yung about page ko. nakakatawa (nakakatuwa) nga ba? Ewan ko ba, seryoso naman ako nung sinulat ko yun eh. Syempre di kasama yung huling line. Naalala ko lang idagdag yun kasi nakita ko yung trailer para sa Van Helsing eh. Gwapo ni Hugh Jackman talaga! Amfness!
Haha! Onga, cute ni Wolverine! hehe!
sumagot ng slumbook na may walang kamatayang tanong na: “describe yourself†kung saan ang sagot 99% of the time ay “Judge Me!†—> saken nun, “Just look at me” hahaha! ano kaya yun??
At eto pa, “Favorite… (music, movie, etc)†na may sagot na 2M2M (Too Many to mention). —> Korek! Hehehe!
Sino nga ba naman ang makakalimot sa “Your motto†na sasagutin ng “Time is Gold“. Panis! —> God is love. Hahahahahaha!!
at eto pa, “Define Love..” Love is blind. grrrr!!! hahaha
hahaha sagot kasi namin dun “love is like a rosary, full of mysteries”! nakow! hahaha
bwahahaha! Sumakit tyan ko sa post mo ha! hay nako.. nakaka-miss nga ang hayskul life noh! Teka nakalimutan ko ata isama ang “Who is your crush?” na sasagutin nman ng MS.8-5… (yun pla Jonnalyn Ajeda) Wahehehe!
hahahaha tawa ko ng tawa dito mae kung nkikita mo lang ako. :P
kulit! kakamiss talaga high school.puno ng kabulastugan at lakwatsa.hehehe